Filipijns
Panalangin-Nuwes
Sa Amsterdam, Rijksmuseum ay may tumawag ng aking pansin tungkol sa isang medyebal na bagay. Ito ay isang bolang yari sa palmo na kung saan ay nahati sa dalawang bahagi. Ang dalawang kalahati ay nahiwa ng mabuti kaya malinaw na makikita ang lahat ng uri ng mga larawan katulad ng kapanganakan at pagkapako ng Panginoong Hesu Kristo sa krus. Ito rin ay parang pinagdikit o pinag-isa na katulad ng isang maliit na aparador. Ang buong bagay ay nakatago sa isang bolang tanso bago ito inilagay sa isang maliit na supot na gawa sa balat. Ito ang Magandang Balita/Ebanghelyo sa maikling salita. Ito ay malinaw na ginawa sa paraang ito upang madali itong dalhin habang naglalakbay.
Pagkaraan ng ilang taon, ako ay nahamong bigyan ng panibagong buhay ang Panalanging Nuwes. Sa kasalukuyan, ito ay walang nakasulat sa loob nito o ito ay blangko kaya maari mong isulat ang iyong panalanging-paksa sa pamamagitan lamang ng paggamit ng pangalan, petsa, simbolo at iba pa. Dahil ang nuwes ay magaan at madaling dalhin saan ka man magpunta, ang iyong panalangin ay lagi mong dala. Kapag nasagot ang iyong panalangin o sa tingin mo ay panahon na para alisin ang iyong panalanging-paksa sa nuwes, maari mo itong burahin sa pamamagitan ng papel-buhangin para mayroon ka uling pagsusulatan ng bago mong panalangin-paksa.
Nog controleren
Deze tekst wordt nog nagekeken door iemand die de taal leest.